Pag natutulog si Tiyong “tato” Arturo ginagawa ko siyang diyaryo. Pero balat lang niya iyon, mabait si tiyong. Nuong bata nga ako ay sinasama pa niya ako sa pasada niya sa Pier. Pag-garahe o relyebo nagtatabi siya kaagad ng pampasalubong sa iba pa niyang pamangkin dahil tiyak daw na maghihintay ang mga iyon. Ilang taon din bago siya nagkaroon ng sariling anak, halos kasabay din ng pagtago niya dahil napatay ng kaibigan niya ang kumag na tumatalo kay tiyong. Huli ko siyang nakita nuong tumulong siya sa paglipat na naman namin ni erpats ng lungga. Buntis sa pangatlong anak ang kanyang asawa nang mamatay si tiyong sa pulmon, kinapos kasi at huli na nang naitakbo sa ospital. Di naman dapat umabot sa ganon kung sinusuklian sana ng kungsinuman o anuman ang kanyang sipag, tiyaga at kagandahang loob.
Naghihintay din si Alfred ng klase niya kaya nakipag-kwentuhan muna ako sa kanya. Tubong Mindoro daw siya. Napabayaan ang kanyang ina sa ospital kaya namatay sa diyabetis. Kaya mag-isa lang daw ang ama niya sa kanila mula noon dahil wala naman siyang kapatid. Sayang nga at hindi siya naka-uwi nuong Pasko dahil inalmuranas siya. Nagpakulo daw siya ng damo na nahingi sa mga deka, tamang herbal ba. Pagkainom ay nagsa-disyerto daw ang lalamuna’t bibig nya, lahat ng makitang tubig ay sinusugod niya. At bigla daw may gumulo sa takbo ng mundo, mamamatay na raw siya. Takbo siya sa ospital na malapit lang sa kanila nang may bitbit na mga garapon ng tubig at pinaghahabol ng mga barkada niya. Tawa na ako ng tawa. Tapos mamamatay na raw siya sa ospital nang bigla siyang pina-inom ng Tempra na iyon lang pala ang kailangan. Iyon daw ang dahilan kaya di siya nakauwi. Tawa pa rin ako ng tawa pero tahimik na siya. “Kung nakauwi lang ako noon ay nakita’t nakasama ko pa sana si itay bago siya namatay” maluha-luhang sabi niya. Nakngtokwang sinong naglipat sa drama?
Re.qu.em 1: a mass for the dead 2: a solemn chant for the repose of the dead 3 a: a musical setting for the mass of the dead b: a musical composition in honor of the dead
Nautusan na naman ako sa tindahan at napansin kong bihis na bihis si Nonong. “O, Nong! Hanep ah, saan ba’ng punta, disco o party?” Wala daw, may inayos lang siya. Ano kayang inayos no’n at mukhang puyat at pagod ah? Pag-uwi ko ay nautusan naman ako sa kabila, “…punta ka sa kabila at makiraman ka kina Nonong, namatay ang tatay nila kahapon…”. Sanlaksang badtrip.
Kay Mike yong unang napaglamayan kong burol, sa kanya iyon. Siya iyong na-OD na pinsan ni Pedrong Bakti. Tinatali na nga daw iyon, minalas-malas lang at nakasuwerte pa ng samboteng tabletas, patay. Sa libing, sabay na umaatungal iyong utol niyang kambal. Pero iyong ermats niya simple lang, bago pinasok sa huling tambayan ang anak ay pinabuksan muna niya ang tumatakip sa kanyang si Mike at binigyan ito ng huling halik.
Meron pa silang isang pinsan na bebot, bata pa pero saksakan ng bwakaw at kuripot. Siya iyong pinag-uusapan namin ni Pedro habang naglalakad kami, nang mapansin naming maraming tao sa aming paroroonan. At iyon nga iyong ‘topic’ namin, nasa ataul na.
Si Glo, syota ni Pedrong Bakti na parating palpak ang dalaw namin dahil parati naming naaabutan ang motorsiklo ng ligal na kalabtim nito. Ang hirap pa naming mambadtrip sa Tatalon, baka ma-Teddy Diaz pa. Nawala rin naman sa eksena si mamang ‘motor’ at ligal na rin ang relasyon nila. Minsan nuong nag-iinuman kaming tatlo at nag-CR si Pedro ay natanong ako ni Glo kung totoong mahal siya ng kaibigan ko dahil mahal na mahal daw niya ang kumag. Hindi ko na alam kung paano sila nagkahiwalay, basta nagulat na lang ako nuong ninsan na yayain ako ni Pedro sa Tatalon dahil nalaman niyang unang taong anibersaryo na pala ng pagkamatay ni Glo. Hindi ako pwede, sabi ko. Nang magkita kami ulit kami tinanong ko kung nakapunta siya. Ang sabi niya, “ay oo nga pala, nakalimutan ko.”
“Di lang iyon, iyong abo ko ilagay mo sa jar, ilagay mo sa kuwarto mo, lagyan mo ng larawan ko, eh di parati mo akong kasama.”
“Ganito na lang, isasaboy ko siya dito sa dagat at sa tuwing pupunta ako dito ay yayakapin mo ako sa bukanliwayway at babalutan mo ng kagandahan sa paglubog ng araw, hanggang makasama na rin kita ay patuloy akong maghihintay dito.”
Sayang mas nauna kaming nagkahiwalay kaysa namatay.
6 comments:

“Pag namatay ako ipa-cremate mo ako.”
“Bakit, para tipid?”

Post a Comment