Sunday, May 07, 2006

70s child

the first time i saw you i remembered a line from the vagina monologues, "you cannot love a vagina unless you love hair."

Sunday, November 14, 2004

disyembre 28

Disyembre 28, pa-gabi, nasa ilalim ako ng traffic light sa gitna ng kalabaw at tamaraw sa Luneta. Walang El Shaddai pero maraming mga mag-boypren at gerlpren, mga mag-bugaw at puta, mga aleng nakaupo at mga mamang pormang Tony Ferrer na nakatayo.

Dahil sa katangahan kong pagsabi kina George at Jazer na ako ay nasa Quezon Circle, imbes na sa Welcome Rotonda na, kaya ako sa Luneta nagpalipas ng oras. Pero dapat nasa kanila ako sa Mary Johnston kung asan andon ang aking inaanak to be na si Julia.

Mga dalawang dalagita na ang ngumiti sa akin sa pagkakamaling pedophile ako’t may pera, bago pa nakarating sina Jazz at Jorje para sunduin ako’t tumuloy na kina Bobby.

Unang Linggo ng Disyembre ko natanggap kay Jazz na may kitakits nga daw ang ilang mga taga Sunshine bago matapos ang taon. 1983-2003, wow dalawang dekada, ilang kulubot o ilang palapag ng bilbil o ilang nalagas na buhok ba ang idinulot non? Ilang anak kaya o ilang asawa o ilang hindi na-anak o di na-asawa?

Katulad ng dati, naunahan si Bobby ng kanyang ngiti sa pagsalubong sa aming pagdating. Sa labas pa lang ay naramdaman namin ang kolektibong kasayahan ng mga tao sa loob ng bahay dahil sa wakas ay puwede na ring kumain.

Nuong sumilip ako sa pinto ay may babaeng sumalubong agad ng yakap, “Mrs. Valenzona, I’m glad you could make it!” sabi ko. Nagtawanan iyong mga iba at nakita kong si Hazel G. pala iyon, buti hindi narinig. Kinamayan ako ni Bernard na ganon pa rin ang itsura pero mayroon nang salamin, at binati pagkatapos ni Arlene G. na ganon pa rin ang itsura pero mayroon nang asawa (romel, 20 years, kapag hindi mo mamukhaang kaklase mo ay malamang asawa ng kaklase mo).

Nagulat din ako na andon si Abe, pero mas nagulat ako na hindi nga si Abe yon kundi si Edric! Siguro si Abe slim naman ngayon. Patuloy ang yakapan, at sino naman itong matangkad na mamang ito? Si John James! Parang si Robin Williams na Peter Pan sa Hook, John James grew up!

Halos si Bobby at si Hazel ang naghanda ng pagkain, na masarap naman. Si Hazel din ang may dala ng vodka, at siya rin ang taga-halo with soda – gamit ang hintuturo. Masarap din naman.

Ang pinulutan namin eh pagkwento ng mga parte ng katawan ng mga kaklaseng hindi dumating nuong gabing yon – buhok, noo, mata, ngipin, batok, boobs, tiyan, balat, buhok sa binti, at paa. Mag-isip kayo ng mapanlait na pang-uri at malamang nagamit namin iyon. Mayroon ding tumutok sa usaping sino sa mga lalaki ang single pa, kasama na rin nang sino ang gay.

Nakakatuwang isipin na nakasama ko uli ang mga taga Sunshine. Sina Arlene at George kaklase ko nuong Grade 2 pa, sa classroom malapit sa canteen katabi ng bilihan ng softdrinks, kaya malagkit parati suwelas namin. Si John James naman kahit nanay niya natatandaan ko pa. Si Bobby hanggang ngayon Roberto pa rin sa isipan ko.

Sabi ko kay Bernard na nabanggit ng lolo ko non na tanungin ko kung taga-saang Gorospe siya dahil baka daw kamag-anak namin siya. Si Edric ay naalala pang napasama silang magkapatid sa bahay namin dati sa Caloocan dahil nawala iyong pamasahe nila. Si Jazer naalala ko na kinamanghaan kong nababaon pala ang spaghetti para lunch. At si Hazel naman ay nakita ko pang kulot ang buhok niya.

Sabi ko nga sa kanila ay, “Biro niyo, magkakakilala tayong lahat nuong sa ulo pa lamang tayo tinutubuan ng buhok.”

Gusto ko ring makita ang iba pang ka-batch natin, marami ang hindi ko na nakita mula graduation. Si Vivian nga nalaman ko na lang na me gusto pala ako sa kanya noon nang simula ng first year high school nang nagulantang ako na ‘di ko na pala siya makikita araw-araw!’ Dapat pala ang paalaman nating lahat noon ay ‘O sa susunod na milenyo na lang, bye-bye muna.’

Pagkatapos ng graduation, andami nang nabago sa ating sarili at sa lipunan. Ang ‘bygone times’ sa ibang mga tao ay iyong panahon ng pananakop ng Amerikano o panahon ng gera sa Hapon o panahon bago mag-Batas Militar. Ang ‘nakaraang panahon’ para sa akin ay ang panahon natin sa elementarya, 1977-83, ang ating kabataan na napapa-gitnaan ng panahon ng paglatag ng batas militar at panahong patungong EDSA revolution.

Habang nagbibiruan naisip kong kahit na ilang taon nang hindi nagkakitaan ang dali naman palang bumalik sa ganito. Balik Voltes V, Bazooka Joe na may komiks, sorbetes na inilulubog sa tsokolate, speech choir, Wednesday mass, kalyeng walang LRT, bus na walang aisle at walang takip sa isang gilid, Star Wars, Thriller, unang crush, unang regla, Alis Kamatis at Islaw Kalabaw.

Sa pagkikita nuong Disyembre 28 ay, totoo nga, nangyari nga yong panahon na iyon, kayo iyong mga kasama ko noon. At sa pagkakita ko sa inyo sa ngayon ay, oo nga, tunay nga, maganda nga tulad ng sabi nila ang kinabukasan para sa ating mga bata nuong panahon na iyon.

Ikabod
Enero 2004


Posted by Hello

si lou at erin (vamp chronicles 2)

“Titit…titit!” automatically (by instinct?) my hand reaches for the fone, habang nakatitig pa rin ako sa tasa sa kama. Pinang-konswelo ko ulit sa sarili ang kape kagabi at pagkatapos ay ginawa na namang slide ng gitara ang tasa. Brrrwwwwennnggg!!!

I should change my message tone. Kahapon lima kaming sabay-sabay na naglabas ng telepono nang may nagtitit-titit sa gitna ng MRT. Dahil naramdaman kong nag-vibrate ang cfone ko eh dahan-dahan at nakangisi kong kinuha ito “Mga ulol! Walang nagmamahal sa inyo, ha!” Nakangiti at patangu-tango ko pang binasa ang message (na naman) ng Smart sa akin: masmalaki ang chances kong magkapera kung panay ang tawag ko overseas! Nakangiting nagbuntung-hininga pa ako at saka idinikit muna ang telepono sa kanang pisngi at nagbyutipul-ays pa bago ko ibinulsa ulit ito.

Naisip ko pagkatapos no’n iyong French Baker bagels na bread of choice daw ng mga health conscious, with only 1 gram of fat per. Tapos best daw if it’s eaten with Philadelphia cream cheese.

8488888. Tangina Smart na naman! Binuksan ko ang aking inbox at binasa ulit ang huling message ni Erin sa akin: WIL B IN MNL NXT WK, KITAKITS LOU! Sent:3-Dec-2001 11:30:30 Sender:Erin Uppercase

Erin had to choke on a chicken bone bago kami nagkita kaya sa burol na niya ako nakadalaw.

Kagabi andon iyong mga comrade niya. Naalala ko, it was after we saw Dr. Zhivago in a filmfest when Erin started calling everyone comrade, making everyone comrade professors, comrade janitors, comrade movie ticket tearirists, comrade fishball vendors, even comrade drug pushers.

“Comrade porn video clerk, me nagsoli na ba ng Batutang Itim?” Nano-nood kami ng porn noon na walang sound iyong TV tapos may tumutugtog na revolutionary songs sa cassette player. “…iwagayway ang bandilang pula” o kaya “…may panahong mag-duda’t magtanong, ngayo’y panahon ng pagharap at pagsulong…” Pinakakwela iyong orgy scene kasabay ng “…ang mga gahaman ay hindi dapat mabuhay lipulin silang lahat!” Miyembro din nga pala kami ng cultural group dahil marami kaming alam na rev songs.

Pagka operation pinta siya gusto kong ka-buddy parati, pinapaunlakan niya kasi akong bumili ng dark red na pintura imbes na red cement lang, tapos ay hahayaan niya iyong pagsulat ko na maraming tulo-tulo at talsik-talsik na pula. Pero ayaw niyang magpalagay ng kahit ga-tuldok na pintura sa leeg.

Pinalampas ng mga bosing noong ’86 elections iyong aming ‘revolucion la solucion!’ instead of the usual rebolusyon di eleksyon’. Pero sinabon kami ng husto a year later nong imbes na ‘Cory tuta ng Kano’ ay “Cory tanginamo!’ ang naka-OP sa mga pader sa area namin. Pilit pang pinapa-amin sa amin na kami daw gumawa noong malaking ‘Katarungan para kay Gollum!!’ sa harap ng admin building.

Naalala ko noong pinabasa niya sa kin iyong The hobbit tapos iyong Silmarrillon. Ganon daw dapat iyon tapos saka pa lang babasahin iyong Lord of the Rings. Siya din iyong nagturo sa akin na huwag bibili ng strawberry jam sa Baguio, dapat strawberry preserve. At, strawberry preserve din daw iyong ilagay ko sa oatmeal kaysa asukal. Ang ska ay nauna sa reggae at ang reggae ay gusto rin ng mga punk. Manood ng Aeon Flux. Once a year dapat umakyat ng bundok at doon magbasa ng tula…nang binibigkas, unless na si e.e. cummings ang nadala mong libro ay “…poetry is supposed to be spoken my dear, and meant to be heard”. Never ever put ice in your beer.

Si Erin iyong taong all heart, parang ‘60s na international freedom fighter katulad nina Che, determinado sa prinsipyo pero hippie ang personalidad. Someone who could quote Rosa Luxembourg while wearing tattered jeans and a Verbal Abuse shirt. I can’t explain it myself pero there’s this ‘lightness’ in Erin’s persona. Floating and fleeting, somehow describe Erin completely. Everywhere and nowhere, there and not there. Parang specter.

Kahit sa pagkilos, hindi siya makikipagsabayan sa magdamagang theorizing o mainitang debate o sa overzealous displays of hatred sa esatado o pagmamahal naman sa masa. Erin is above all that, does not need that. Basta andon siya at nagpatuloy siyang andon, habang kaming mga ‘feel na feel’ ay nagalit, napagod, nakalimot, at nawala na.

Sinabihan niya ako dati na huwag ko daw tawaging gawaing masa ang paghugas ng pinggan at pagtulong-tulong sa aming mga pinupuntahan dahil gawaing bahay daw iyon. Tinawanan pa ako non na paano daw ako nakakapagturo tungkol sa pyudalismo samantalang hindi pa ako nakakakita ng kalabaw.

Binibiro ko siya na kaya lang naman ako naging aktibista para matuto akong makapagtagalog ng malalim. Amused naman siya when I, at the slightest provocation, would go “Kasama! Pinapatagal mo ata ang tagay. Tila napanghihinaan ka ng loob. Pinupuna ko ang liberal na aktitud na ipinapamalas mo, bakahin mo ang iyong kahinaan. Kung sa iyong palagay ay wala na sa balangkas ng mga prinsipyo ng ating kilusan ang iyong pag-iisip at gawi ay may pagkakataon ka pang tumiwalag sa ating samahan!”

Sa isang inuman din namin nang sabihan niya ako ng “Comrade, pagkatapos mo bang tumagay kita hahalikan o ngayon na?” Ganon lang naman kami, pahawak-hawak ng kamay sa mob, tapos patikim-tikim ng kendi na nasa bibig ng isa, pahimas himas ng bewang o papindut-pindot sa pwet, ganon lang. Wala namang gustong magpormal ng relasyon, dahil hindi naman ipino-pormal ang pagpindut-pindot. Kahit noong dumaan na ang ilang taon at pati na rin ilang mga naka-relasyon, ganon pa din kami, kapag may gustong magpatikim ng dila ay titikman naman ng isa.

“Erin, are we ever going to have a proper affair?” tanong ko sa kanya noon, tinawanan lang niya ako at sinabing tagay ko na daw.

Pero noong umalis siya para sa una sa napakaraming ‘malalayong’ lugar na pagkikilusan niya ay binigyan niya ako ng lata ng Valda Pastilles. Binuksan ko ito at nakitang puno ito ng condoms. “Just in case we may want to make love someday.” nakangiting sabi niya. “Meron din ako,” sabay turo niya sa kanyang backpack, “goodbye Lou.”

After having (safe!) sex with Erin’s condoms, ilang beses ko nang na-replenish ang laman ng latang iyon. Pero every time I make love and a condom is needed, it’s like Erin is there between my lover and me.

Si Erin ang karelasyon kong hindi, kalaguyo sa pagtatalik na di naganap, comrade sa e-mail, kalandian sa text, kainuman sa harapan, asawa sa pakiramdam. Ang aking to have been.

Si Erin, ang tatanga-tangang nakalunok ng buto ng manok.


si lou (vamp chronicles 1)

Hindi naman siya pangit. Pero, isip niya habang nakikipagtitigan sa salamin, sana magpakita naman na iyong sigurado niyang nakatago lang niyang kagandahan. “Naghahanap pa rin ng tiyempo,” sabi niya sa sarili, “di bale baka bukas. OK lang, hindi naman ako pangit.”

Ibabalik niya uli ang salamin sa tabi ng unan at tititig naman sa kisame, makikipagtalo sa sarili kung dapat na bang bumangon o matulog pa. Yayakapin iyong kanyang pinakamalaking unan at iipit-ipitin sa kanyang hita, baka makatulong sa pagdedesisyon. Mapapapikit na rin siya dahil sa lalim ng iniisip.

“…all through the day I me mine, I me mine, I me mine…” Mapapadilat siya sa tugtog mula sa kapitbahay niyang flip at ilalagay ang isang palad sa noo. “George! George!” pailing-iling niyang titingnan ang poster sa pinto,
“All things must pass George, ikaw na rin ang nagsabi. Kumusta kay Lennon, sabihin mo dalawa na lang reunion na.”

Paubos na talaga ang henerasyon ng tatay niya “kasunod na ako, demet!” Kukunot ang kaniyang noo dahil maiisip niya na baka naman mas nagmana siya sa ermats niya na kahit pati lelang ng lola niya eh buhay pa. Sana daw hindi, antingin niya kasi ay sumpa iyon sa kanila.

Biro mo nga naman lola ka na tapos may lola ka pa. Tapos ang dibersiyon mo sa buhay eh makipagtitigan sa lupa. Ilang beses niyang nakita iyon sa lelang 1, 2 and 3 niya, parang nakikipaghintayan sa lupa hanggang magkikibit balikat na babalikan ang kung anumang isang siglo na nilang ginagawa.

Inakala niya noon na baka me dugong bampira sila. Lalo na noong magsimula siyang di makatulog hangga’t di muna sumikat ang araw at magising naman sa dapithapon na. Di pa niya pansin ang puyat noon sa pag-asang tubuan din siya ng pangil tulad ni Dracula.

Nakakalat sa kama niya ang koleksyon niya ng mga black and white Dracula movies. Wala pa siyang grade 1 nang una siyang mamangha na pagkatapos maghihihiyaw nuong babae sa pelikula ay mukhang sarap na sarap naman sa pagkakakagat ni Dracula sa leeg nito. “Mamam!” sinabi niya. Kung alam lang ito ng kanyang mga naging honeypie ay maiintindihan nila kung bakit parati silang umuuwi na bugbog sa hicky (hickie?) ang leeg nila.

“Lou you’re sick,” kamay sa bewang na sinabi ni Ella sa kanya “horror iyan tandaan mo at hindi erotica.”

“Tsukuday naman! Neck, neck, neck, neck,” turo ni ni Lou sa mga sa estudyante sa canteen, “look at all those necks screaming to be bitten! A neck with a kissmark, what can be sexier than that? Kahit hindi ka na magkuwintas,” kindat niya ke Ella, “may dalawa ka lang na maliliit na butas.”

“Susme! Physical violence, dominance, submission, corruption…eh ano iyan? Di ba rape fantasy ng mga lalake? Gender-gender ka pa, baliw!”

“Hmmmm,” taas kilay at hawak sa baba, “fantasy, yes. But rape? Maybe not. Tingin ko pantasya ito ng mga orally fixated Ella. Think of the pleasure of gently sinking your canines into a soft female neck. Tapos, all the sipping and sucking and licking, hmmm, mamam di ba?” Hinawakan niya ang mga kamay ni Ella. “Or! Or with a male neck, di ba the vampires would take a deep hard bite and just fucking tear the flesh out, gorge and have a bloody feast? Siyet, juicylicious! Mamam din yon!”

“Kailangan mo na naman ng pampakalma Lou, tsaka pasensya ka na absent ata ako sa Psych nuong tinuro iyan."

"At tandaan mo,” patuloy ni Lou, “vampire fantasies are bisexual. Walang pagtatangi sa kasarian ng leeg. Pero dahil erotica nga..as you said..din ito, I’m sure vampires are gorging out on chunky pieces of sexy male asses too.”

“Or some other ‘meaty’ body part.” sabi naman ni Ella, resigned na sa kaweirdohan ng kaibigan.

“Precisely! And...” sabay tingin niya sa mga mata ni Ella, “...habang sinisipsip na ni Dracula iyong leeg ng babae eh..di lang pinapakita sa movies dahil ‘horror’ nga dapat ayon din sa iyo..eh I’m definitely sure he’s got his hand on her breast and tweaking her nipples.”

“At saan naman iyong isang kamay niya?”

You really want to know?” tanong ni Lou sabay ngiti ng kalahati.

“Never mind.” taas ni Ella ng mga kamay niya.

“Magulo buhok mo, I-ponytail mo na kaya?” inosenteng binanggit ni Lou.

“Ulol!”

Hindi siya tinubuan ng pangil, pero nagpatuloy ang insomnia niya. “Vampire hours sans the fangs!” parati niyang reklamo. Lampas na naman ng tanghali, mainit na sa kanyang pakiramdam para mag-mamam pa sa kama, napalampas na naman niya iyong lamig sa umaga. Sayang.

Masisipa niya iyong gitarang nakatulugan niya sa pag-aral ng lick ni Clapton sa “While my guitar gently weeps” kaninang madaling araw. Babangon para maupo sa kama, hahanapin ang pantali sa buhok sa ilalim ng mga unan, kumot, libro, tablatures, CDs, VCDs, tasa…makikita niya sa ilalim ng salamin. May limang missed calls siya at isang text. Galing ke Maria: Lestat gising na! Sent: 9-Dec-2001 10:25:13.

Itutuloy niya ang pagbangon. Lilipat naman sa upuan niyang leather, tutunganga at mapapatingin uli sa kama. Kukunot ang noo at kukuyom ang mukha, “Tasa? Bakit may tasa?”

Saturday, November 13, 2004

Se Souvenir des Belles Choses (august 2002)

I had another dream this morning, it was still in French with English subtitles.

Se Souvenir des Belles Choses. The last title in the film festival lineup that ran for two weeks during the French Spring in Manila. At twenty pesos per, it was a better deal than queuing an hour for a free foreign film and much, much better than wasting a hundred bucks on the crap they were showing at the Manila filmfest.

It was a good French film, as French as a film can be - the heavy theme dripping behind the comic scenes, dreamy cinematographic sequences, reality camera angles, the nude shots, the little death at the ending. It was a good film.

Which was just as well because it would have been too devastating if we had discovered our house broken into and stolen from, while coming home (and getting away) from a bad movie.

For the second time in five years that we lived in our compound, everyone was outside their apartments and talking loudly to each other. The only other time that happened was just three weeks before, when Jun, the person who was then still living in one of the units at the back, started coughing up and spew out blood, then sprawled dead right outside his door.

Someone from across the street actually saw our things being loaded into a red vehicle around noon but thought nothing of it, as it was quite unlikely for thieves to be doing their work during lunchtime.

At about that time, we were having our meal at this organic health store in the middle of this unhealthy looking building right smack inside an old commercial district that refuses to be reborn. It had been a nice surprise that they had a bottle of pure honey for sale at that time, because a friend who was then in the Cordilleras could not find us an unadulterated one from Baguio to Kalinga.

And! Surprise, surprise! Or, Et! Surpris, surpris! We also found there a copy of The Once and Future King! Used, tattered, yellowed, dog-eared, in need of glue and a new cover, it was too ugly to pay forty pesos for, but even for five hundred pesos it would be a steal…er, a good deal! Niza, who fortunately loves books, bought this copy that was probably the same book that got away from me another penniless day ten years ago in another second hand bookstand.

It had been a good day actually, with the movie and the honey and the round table that came with the book, until we found out upon coming home that night that there had been people inside our house who helped themselves to our TV, video component, eighty CDs (including a friend’s Coltrane), jogging shoes (who would steal used jogging shoes?), a watch (my sister’s), thick clothes (I have nooo idea), some silver rings, and a big bottle of mineral water (thirsty work, stealing stuff).

We had been expecting the cable guys to disconnect the wire attachment from our TV and take it away because the Los Angeles Lakers got their three-peat already, and we lack the patience and riotous impulses for the world cup. The fact that somebody disconnected the cable wire and took our TV instead, would have been very funny if it wasn’t so sick.

The video component was a product of Niza’s six months work away from home and they took it just six months after it was bought. They left its operating manual, I hope they go nuts trying to figure how to switch from PAL to NTSC and back.

They also left the jackets of the Gorrilaz and Café del Mar Volumen Siete CDs that were left inside the disk tray. It was the same Gorrilaz CD that kept Niza company during her stay in Bangkok, while the other CD was a soothing keepsake from a long afternoon walk around the Intramuros-Binondo-Tutuban Old Manila area. Each of the CDs was like a Polaroid photo album, they held irreplaceable memories of people, places and moments. Their loss is made more painful because of that.

As for the shoes (except for mine having been a memento of my ten long years with a human rights organization) the memories of the huffs and puffs and pants and grunts and nicks and clicks and miles and smiles of our runs aren’t deposited in them alone, but their loss sure keeps us from further making fond remembrances of more tortuous runs.

Other creatures do not cherish memories the way humans do. But the human mind is a curious thing, it compels us to sentimentality but it also easily banishes the sweetest of memories away into oblivion. We forget to remember, hence the need for all our symbols, mementos, memoirs, movies and markers. Hence the word – remind.

The opposite is true with hurtful things, it’s hard to forget even with the absence of any reminders.

So there’s the rub, our remembrances of good things were stolen from us and we have nothing left to keep those memories alive, but the recollection of their theft most probably won’t be forgotten even if we try.

Se souvenir des belles choses. Try to remember nice things.


In memory of good times with:

miles, coltrane, simone, ella, billie, dinah, getz, gillespie, astrud, wes, bird, mclaughlin, koko

marley, dylan, clapton, beck, joplin, hendrix, allman bros, walker, bream, r.l.jones, stanley, buddy, knopfler, cocker, otis, charles, taj, georgie fame

fairground, specials, clash, weather report, snl, police, jam, grand funk, ccr, airplane, selecters

moby, dido, no doubt, beck, macy, vai, vega, frente, sixpence, sheryl, enya, ray, ebtg, gorillaz, del mar 7, bullworth, p.o.t., radioactive sago, indio-i, cabangon

kumusta kay san pedro

kwento tungkol sa mga nauna na.....